Tiwala si Quezon City Traffic Czar Ariel Inton na kanilang maipapasa ang evaluation standards ng Department of Interior Local Government.
Kasundo ito ng pagtatapos ng 60 day ultimatum ng ahensiya para malinis ang mga lansangan sa mga pangunahing siyudad sa buong bansa.
Ayon kay Inton, kumpiyansa siyang lalabas sa evaluation na nasunod ng Quezon City ang kautusan ng DILG bagama’t aminado ang opisyal na hindi nila mapipilit ang mga tao na palaging sundin ang mga batas trapiko.
Aniya, kanilang ipakikita sa DILG ang bilang ng mga isinagawa nilang operations at paghuli sa mga lumalabag sa loob ng nakalipas na animnapung araw.
Gayunman aminado si Inton na magiging hamon sa kanila ang pagpapanatili sa kautusan lalu’t kulang din ang kanilang tauhan at resources tulad ng mga impounding area na kasalukuyang puno na.