Blangko pa rin ang Quezon City Police District (QCPD) sa suspek sa pagpatay kay Barangay Chairperson Crisell Beltran ng Barangay Bagong Silangan Quezon City.
Ayon kay Chief Supt. Joselito Esquivel, hepe ng QCPD, sa ngayon ang tanging hawak nila ay facial composite ng suspek na batay sa paglalarawan ng mga saksi.
Patuloy aniya nilang iniimbestigahan ang mga posibleng motibo kabilang ang labanan sa pulitika o kaya ay mga desisyong ibinaba ni Beltran bilang punong barangay.
“Lumalabas ayon sa posisyon ng mga shooter, anim ito eh, isa lang ang ma-conclude natin dito na maaaring bayaran itong mga bumaril kay kapitana, gagawin po namin ang lahat para matukoy ang mga suspek, meron na po tayong facial composite at meron na pong pabuyang 5 milyong piso sa sinumang makapagbibigay impormasyon para solusyunan ang kasong ito.” Pahayag ni Esquivel
(Ratsada Balita Interview)