Asahan na ang mabilis na pagresponde ng mga kapulisan sa lungsod ng Quezon City sa tulong ng Unmanned Aerial Vehicles (UAVs) o mas kilala bilang mga drone.
Sa isang panayam, sinabi ni Quezon City Police District Director Brig. Gen. Nicolas Torre III, sinusuportahan nila ang paggamit ng drone sa kanilang pagpapatrolya.
Tinatayang mayroong 20 drones ang QCPD na maaring gamitin upang mas madaling matukoy ang mga gagawa ng krimen.
Gagamitin din ang mga drone upang mamonitor ang mga sementeryo sa pagdiriwang ng Undas sa susunod na linggo.
- sa panunulat ni Maze Aliño – Dayundayon