Handa na ang Quezon City Police District o QCPD sa ilalargang Metro-Wide Public Transport Strike na inaasahang maka-aapekto sa libu-libong pasahero, ngayong Lunes.
Ayon kay QCPD Director, Chief Supt. Guillermo Eleazar, simula ala singko ng madaling araw ay magdedeploy na sila ng mga pulis sa iba’t ibang lugar na pagdarausan ng kilos-protesta ng mga operator at tsuper upang matiyak ang kaayusan.
Itatalaga ang mga pulis sa 16 na convergent points gaya sa Muñoz, Balintawak, Commonwealth-Litex at Welcome Rotonda upang i-monitor ang sitwasyon lalo ng mga stranded na pasahero.
Makikipag-tulungan din ang QCPD sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Land Transportation Office – National Capital Region o LTO-NCR, Traffic Management Group-NCR at Quezon City Department of Public Order and Safety o QCDPOS para sa libreng sakay.
By Drew Nacino | Report from Jonathan Andal