Itinanggi ng Quezon City Police District o QCPD na umabot sa limang libong (5,000) pulis nila ang naturukan ng Dengvaxia.
Ang datos na 5,000 ay lumabas sa hearing ng Mababang Kapulungan sa isyu ng Dengvaxia.
Ayon kay Chief Superintendent Guillermo Eleazar, hepe ng QCPD, umabot lamang sa 800 pulis at halos 500 kaanak ng mga ito ang napaturukan ng Dengvaxia.
Sa ngayon aniya ay masusi naman ang monitoring nila sa mga nabakunahan upang maagapan sakaling magka-dengue ang mga ito.
“Kaka-attend lang po recently ng seminar with the Philippine Children’s Medical Center para magkaroon nga po ng tuloy-tuloy na ugnayan with those concerned personnel and dependents na naturukan ng Dengvaxia vaccine para may constant coordination and dialogue with them para alam nila ang nangyayari.” Pahayag ni Eleazar.
(Ratsada Balita Interview)