Hindi na uubrang mag-day off kapag Sabado at Linggo ang mga station commander ng Quezon City Police District (QCPD).
Ito ang direktiba ni QCPD Director Chief Superintendent Edgardo Tinio matapos lumabas sa kanilang analysis na karaniwang tumataas ang krimen simula Biyernes hanggang araw ng Linggo.
Sinabi ni Tinio na dagsa ang mga pamilya sa mall at iba pang recreational facilities pag-weekends bukod sa gimikan naman ng mga magba-barkada tuwing Biyernes at ang mga panahong ito nakikitang pagkakataon ng mga kriminal.
Tiniyak naman ni Tinio na siya mismo ay papasok din kapag Sabado at Linggo.
By Judith Larino | Jonathan Andal