May iniaalok na bagong sistema ang A-F Payments incorporated sa mga operators ng EDSA busway para sa automated na pagbabayad ng pamasahe ng mga mananakay.
Ito anila ang QR tickets na gawa sa papel o gamit ang mga cellphones.
Ayon sa AFPI, mas magiging mura ang QR paper tickets kumpara sa beep cards at hindi na makadaragdag pa ng gastos sa mga pasahero.
Paliwanag ng AFPI, kinakailangan lamang nilang i-upgrade ang ginagamit na equipment ng mga bus validation system para parehas na magamit ang beep cards at QR code.
Sa kasalukuyan aniya ay nasa proseso sila ng pagkuha ng mga interested parties para maging QR ticket issuer.
Magugunitang, ipinag-utos ng pamahalaan ang pagpapatupad ng cashless automatic fare collection scheme sa mga pampublikong bus sa EDSA busway bilang bahagi ng hakbang laban sa pagkalat ng COVID-19.