Nanghihinayang ang House Quad Committee sa ginastos ng senado na pera ng taxpayers sa pagharap sa senate hearing ng dating pangulong Duterte.
Ayon sa Quad Comm, sa halip na humarap sa kanilang pagdinig, sa senado aniya humarap ang dating pangulo dahil naruon ang kanyang mga kaalyado tulad nina Senador Bong Go at Ronald Bato Dela Rosa.
Iginiit din ng komite na ang naturang senate hearing ay idinisenyo bilang platform para sa dating pangulo para maidepensa ang kanyang anti-drug policies.
Naniniwala rin ang Quad Comm na layon ng hiwalay na imbestigasyon ng senado na tabunan ang patuloy na pagdinig ng apat na komite ng kamara.
Una nang inihayag ng quad comm na ang pagharap ni Duterte sa senado ay hindi para sa katotohanan at transparency kundi ito ay isang panlilinlang sa publiko.