Kinansela ang qualifying match ng World Cup sa pagitan ng bansang Argentina at Brazil.
Iyan ay matapos magpositibo sa COVID-19 ang tatlong football player ng bansang Argentina kaya’t minabuti ng mga namumuno ng palaro na huwag ng ipagpatuloy ang nasabing laban.
Pinagmulta naman ng health agency ng Brazil ang apat sa kanilang manlalaro dahil sa pagsuway ng mga ito sa pinatutupad na protocol tungkol sa COVID-19 sa bansa.
Isinailalim na sa quarantine ang apat na manlalaro ng Argentina mula sa English Premier League.
Magkakaroon naman ng pagpupulong ang Fifa Commissioners kung kailan ipagpapatuloy ang kinaselang laro.—sa panulat ni Rex Espiritu