Dalawang quarantine classification lamang ang ipatutupad ng gobyerno sa ikinakakasang alert level system para sa COVID-19 response sa NCR.
Ito ayon kay presidential spokesman Harry Roque ay matapos aprubahan “provisionally” ng IATF ang mga panuntunan para sa implementasyon ng alert level system para sa COVID-19 response.
Sinabi ni Roque na batay sa gagawing policy shift, ECQ at GCQ lamang ang quarantine classification at ang pupuwede at hindi pupuwede ay nakadepende sa alert level na nakapataw sa lugar sa loob mismo ng Metro Manila.
Inihayag ni Roque na sa ilalim ng alert level 4 o high risk classification, bawal ang dine-in, personal services at mass gatherings samantalang isinasailalim pa ng IATF ang mga aktibidad na uubra sa alert level 4.
Binigyang-diin ni roque na lahat ng lugar ay magpapatupad ng granular lockdowns, batay sa IATF guidelines.
Ang apor aniya ay limitado lamang sa health workers at professionals, kaya’t ang mga government officials at employees na nakatira sa mga lugar na nasa ilalim ng localized lockdowns ay hindi papayagang lumabas ng kanilang mga bahay.