Nagdagdag pa ng quarantine facilities at kama ang Philippine National Police (PNP) sa kanilang headquarters sa Camp Crame dahil sa pagdami ng tinatamaan ng covid-19 sa kanilang empleyado.
Ayon kay PNP Chief General Dionardo Carlos, walumpung kama ang idinagdag sa training service facility habang isang-daang kama sa badminton court.
Mananatili namang primary quarantine facility ang kiangan (ki-ya-ngan) emergency treatment facility.
Sa huling datos na inilabas ng PNP Health Service kahapon, umabot sa 444 ang naitalang bagong kaso sa PNP para sa kabuuang 44,317 kumpimadong kaso.–Sa panulat ni Abby Malanday