Magagamit na simula ngayong araw na ito bilang coronavirus disease 2019 (COVID-19) isolation center ang dalawang quarantine facility na pinangangasiwaan ng Philippine Ports Authority sa Manila South Harbor at Port Capinpin sa Orion, Bataan.
Ito, ayon sa Department of Transportation (DOTr), ay tugon sa kakulangan ng pasilidad para sa mga nagkasakit ng COVID-19 sa gitna na rin nang pag-apaw ng pasyente sa mga ospital sa NCR Plus area.
Ang mga naturang pasilidad ay una nang ginamit bilang tuluyan ng mga umuuwing seafarers at Overseas Filipino Workers (OFWs) na isinailalim sa 14-day quarantine.
Mayroong 211 cubicles ang Eva Macapagal Super Terminal sa Pier 15 na isang taon na mula nang i-convert bilang treatment facility.
Nasa iba’t ibang zone ang mga cubicle na may kasamang portable toilets, modular showers at iba pang pasilidad.
Uubra namang tumanggap ng hanggang 124 patients ang Port Capinpin quarantine facility na binuksan npong Oktubre 2020 para sa mga seafarer at kasama sa capacity nito sa 25 cubicle para sa high-risk individuals, hiwalay na nurses station at dalawang kuwarto na may bunk beds para sa mga medical frontliner.