Pinatatanggal na ng Department of Education (DepEd) sa mga lokal na pamahalaan ang mga quarantine facilities na nasa loob ng mga paaralan.
Desisyon ito ng DepEd bago sumapit ang Agosto 22 o ang pagbubukas ng SY 2022-2023.
Ayon kay DepEd Spokesperson Michael Poa, inaalam na nila kung ilang paaralan ang mayroon o nagsisilbi pa bilang quarantine facilities.
Pinatitiyak din ng kagawaran ang pagkakaroon ng klinika at health facilities sa mga paaralan lalo na sa mga liblib na lugar.
Noong July 25 nagsimula ang enrollment period sa Kindergarten, Elementary, Junior high school at Senior high school kasama ang Alternative Learning System (ALS).
Magtatapos ang SY 2022-2023 sa July 7, 2023.