Wala nang COVID-19 patients sa ilang quarantine facilities sa Negros Occidental.
Ayon kay provincial inter-agency task force officer Rayfrando Diaz, tumatanggap na rin ng non-COVID patients ang mga district hospitals sa mga bayan ng Valladolid at Cadiz, gayundin ang Valeriano Gatuslao Memorial Hospital sa Himamaylan City.
Maliban dito, binanggit din ng provincial incident management team na 321 na lamang ang actives cases sa lalawigan na mas mababa kumpara sa 4,400 noong Oktubre ngayong taon.