Umaapaw na ang mga quarantine facilities na inilaan sa mga uuwing ofws para sa pagdiriwang ng pasko at bagong taon sa bansa.
Ito’y ayon kay Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Hans Leo Cacdac kung saan iginiit niya na nasa kritikal na lebel na ang nasabing pasilidad.
Batay sa datos, mahigit labing dalawang libong ofws (12,500) ang nasa dalawang daang quarantine facilities (200)
Samantala, ihihirit ni Cacdac sa pulong sa Inter-Agency Task Force against Covid-19 na paiksiin muli ang quarantine days sa mga indibidwal na kumpleto na ang bakuna at may negatibong RT-PCR test. –Sa panulat ni Airiam Sancho