Sapat ang bilang ng mga isolation centers at quarantine facilities para sa mga COVID-19 patients.
Ito ang tiniyak ni National Policy Against COVID-19 Deputy Chief Implementer Sec. Vince Dizon sa gitna ng pangamba na posibleng tumaas ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa ngayong holiday season.
Pahayag ni Dizon, hindi rin tumitigil ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa paggawa ng mga isolate centers ng mga pasyente.
Inaayos na rin aniya ang deployment ng mga doktor at nurses sa mga bagong tayong pasilidad sa bansa.