Iiklian ng pamahalaan ang quarantine period ng mga indibidwal na fully vaccinated na laban sa COVID-19 simula, bukas, July 1.
Ito ay ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, mula sa 10 araw, magiging 7 araw na lamang ang quarantine period ng mga bakunadong biyahero na magmumula sa green o low risk countries.
Aniya, isasailalim ang indibidwal sa swab testing sa ika-5 araw at kung mag-negatibo man ito sa testing ay kailangan pa rin tapusin ang naturang quarantine period.
Dagdag ni Roque, ikokonsidera ang mga fully vaccinated na biyaherong nakatanggap ng dalawang dose ng bakuna matapos ang dalawang linggo o dalawang linggo matapos ang unang dose ng bakuna.
Kailangan lamang ng mga bakunado ng patunay na sila ay fully vaccinated sa Philippine Overseas Labor Office (POLO).
Habang sa mga biyaherong nabakunahan sa bansa, kailangang magpresenta ng vaccination card na bineripika bago umalis sa Pilipinas.