Mahigpit na ipinapatupad ng lokal na pamahalaan ng Marikina ang quarantine inspection sa siyudad matapos matagpuan ang mga patay na baboy sa Marikina River.
Ayon kay Marikina City Mayor Marcelino Teodoro, tinitignan nila ang lahat ng permit ng mga karneng pumapasok sa lungsod.
Mahigpit kami ngayon sa quarantine inspection. Tinitignan namin yong mga permit ng mga karneng pumapasok dito, pati yong mga transportation permit para doon sa dinadala dito sa palengke namin. Kung wala sa permit yong karne ay kinukumpiska namin at kino-condemn namin ito. Dine-dispose namin para yong posibleng pagkalat pa ng ASF o yong human consumption ay hindi mangyare.
Binabantayan din ang presyo ng bilihin sa mga pamilihan sa lungsod para masigurong hindi inaabuso ng ilan ang sitwasyon.
Ipinatigil din ng alkalde ang lahat ng water related activities sa lungsod.
Nagpadala na rin sila ng sample ng tubig sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Nagpakuha ako ng water sample kahapon sa lahat ng lugar na kung saan ay nakitang nakalutang na patay na baboy. At pinadala natin sa DENR para ma check yong quality of water, kung safe na, mag resume yong water related activities natin sa Marikina River. — ani Teodoro, sa panayam ng Ratsada Balita.