Isinusulong ni Senador Lito Lapid ang panukalang naglalayong magkaloob ng 28 day paid quarantine leave benefits kada taon sa mga manggagawa sa public at private sector.
Ito ayon kay Lapid ay para matulungan ang mga manggagawang nakararanas ng adverse effect ng kasalukuyang pandemya at posibleng maapektuhan ng kahalintulad na krisis sa mga susunod na panahon.
Sa ilalim ng Senate Bill number 2404, pagkakalooban ng paid quarantine leave ang mga manggagawa na aatasang mag-quarantine matapos ma-expose o ma-infect sa nakahahawang sakit o delikadong kemikal sa paggampan ng kanilang tungkulin.
Binigyang-diin ni Lapid na kahit mahirap at delikado ang panahon ngayon, marami pa rin sa mga Pilipino ang sumasabak sa panganib para lamang makapagtrabaho, subalit masaklap ay kapag tinamaan ng sakit tulad ng COVID-19 na hindi lamang nakapagpapatigil sa kanila sa pagtatrabaho o nauubos ang leave dahil sa pagsailailim sa quarantine.
Nakasaad din sa panukala na ang mga employer na tatangging magkaloob ng paid quarantine leave ay pagmumultahin ng hindi bababa sa P30,000 at hindi hihigit sa P200,000. —mula sa ulat ni Cely Bueno (Patrol 19)