Hinimok ni Senate Committee of Tourism Chair Nancy Binay ang Inter-Agency Task Force on COVID-19 na maglagay ng mga taong magbabantay at magpapatupad ng health protocols sa mga pasyalan sa bansa.
Ayon sa senadora ang quarantine marshals ang magtitiyak na ligtas ang ‘staycation’ at nasusunod ng mga turista’t bakasyonista ang ipinatutupad na health protocols kontra COVID-19.
Giit ni Binay dapat na matutukan ang pagpapatupad ng health protocols sa mga establisyemento dahil tila hindi na ito nasusunod.
Matatandaang isang hotel sa Makati ang lumabag sa health protocols matapos nitong payagang manatili sa loob ng kwarto ng hotel ang higit sa 10 katao nitong new years eve kung saan may namatay na isang flight attendant.—sa panulat ni Agustina Nolasco