Ibinalik sa mas mahigpit na quarantine ang Tuguegarao City sa Cagayan Province.
Ito’y matapos makapagtala ng 25 kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa syudad kung saan isa dito ang nasawi.
Syam na araw na sasailalim sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang Tuguegarao o simula ngayon hanggang sa ika-4 ng Setyembre ngayong taon.
Kabilang sa mga ipinagbabawal sa ilalim ng MECQ ang pampublikong transportasyon at dine-in restaurants.
Ipatutupad rin ang liquor ban sa panahon ng MECQ at mahigpit naipatutupad ang curfew mula alas-9 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw.