Inanunsyo ni Cavite Governor Jonvic Remulla na hindi na kinakailangang magpresent ng quaratine pass para makapasok sa mga malls sa probinsya.
Sa post online ng gobernador, sinabi nito na pwedeng magpunta sa malls ang mga residente ng probinsya sa loob ng tatlong oras, basta’t magdala lamang ang mga ito ng ID (identification) na katibayan na sila’y may edad 15 hanggang 75 anyos.
Kasunod nito, ani Remulla, sa mga residenteng may balak mamasyal sa mga malls, ‘wag kalimutang mag-ingat at sumunod sa mga umiiral na minimum health standards kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Samantala, pinaalala rin ni Remulla na nananatiling alas-9 hanggang alas-4 ng umaga ang curfew hours sa probinsya, maliban sa mga frontline workers na exempted sa naturang kautusan.