Hindi na kakailanganin ang quarantine pass simula bukas, Agosto 21 kung kailan ipatutupad na sa Metro Manila ang MECQ.
Ayon ito kay Paranaque City Mayor Edwin Olivarez, Chairman ng Metro Manila Council (MMC).
Sinabi ni Olivarez na isa ang paggamit ng quarantine pass na pagkakaiba ng ECQ at MECQ, gayundin ang pagpayag na sa indoor at al fresco dine in services at personal care services.
Mananatili naman aniya sa 8pm-4am ang curfew para na rin malimitahan ang pagkilos at paglalabas labas lalo na ng mga hindi otorisadong lumabas.