Suspendido na ang lahat ng quarantine pass na iniisyu ng pamahalaan ng Cebu City.
Ayon kay Brig. General Albert Ferro, hepe ng PNP Region 7, isa sa nakita nilang problema sa paglobo ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) cases sa Cebu City ay ang napakaraming tao na pinapayagang makalabas sa kabilang, nasa enhanced community quarantine ang syudad.
Umaabot anya sa 250,000 ang naisyu na quarantine pass ng Cebu City hall maliban pa sa mga quarantine pass na inisyu ng barangay.
Nagkasundo na anya sila ng city government na mag-isyu ng panibagong quarantine pass subalit limitado at depende sa sitwasyon ng isang barangay.
And for those who really in heavy lockdown ang city hall will provide necessary comfort sa mga barangay para hindi na sila maglabas. For those na hindi naman masyado, we could authorize yung pangilan-ngilan na mga bibili ng pagkain but it will be schedule basis. May MWF, may TTh para hindi maraming naglalabas pa rin kasi the only way is yung strict implementation,” ani Ferro. — panayam mula sa Ratsada Balita.