HINIKAYAT ng isang health expert ang pamahalaan na palawigin pa ang quarantine period ng mga biyaherong pumapasok ng Pilipinas at ipagbawal ang mga flights mula sa mas marami pang bansa dulot ng mas nakahahawang COVID-19 variant.
Ayon kay Dr. Tony Leachon, dapat ibalik ang 14-day quarantine period para sa mga inbound traveller upang hindi makapasok ang Omicron variant sa bansa.
Sa kasalukuyan, ang mga biyaherong nagmumula sa mga “yellow list” territories at fully vaccinated laban sa COVID-19 ay sumasalang sa tatlong araw na facility-based quarantine sa kanilang pagdating sa bansa.
Pagsapit ng ikatlong araw ay isasailalim sila sa COVID-19 test at kapag nagnegatibo sa swab test ay papayagan na itong umalis ng pasilidad.