Inanunsiyo ng Department of Health (DOH) na tatagal ng 14-21 days ang quarantine period para sa mga taong na-exposed virus o sakit na monkeypox.
Ayon kay health undersecretary Dr. Beverly Ho, matagal bago makita ang sintomas ng monkeypox kaya hinabaan ang quarantine period para sa mga nagkaroon ng closed contact sa taong positibo sa nasabing sakit.
Aniya, hindi gaanong marami ang bakuna ng monkeypox sa bansa kaya kailangan pang bumili nito sa Amerika.
Samantala, pinayuhan din ng opisyal ang publiko na mag-ingat sa mga nakakasalamuha lalo na sa mga nakakatalik dahil sa posibilidad na mahawa ng monkeypox.