Natapos na ang quarantine period ng 311 katao na nagkaroon ng close contact sa tatlong kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Department of Health Assistant Secretary Dr. Maria Rosario Vergeire, 218 mula sa 277 contacts ng unang dalawang kaso ng COVID–19 sa bansa ang nakakumpleto ng kanilang 14- day quarantine period.
Habang 15 iba pa na naka-close contact ng Chinese couple ay nakasailalim pa sa home quarantine habang ang 44 na iba pa ang naka–admit sa ospital.
Para naman sa ikatlong kaso ng COVID–19, 255 sa 740 na contacts nito ang nahanap na ng DOH kung saan 172 na ang nakapanayam ng DOH at 93 sa mga ito ang nakakumpleto na ng home quarantine.
62 sa mga ito ang nasa home quarantine pa rin habang 17 naman ang nasa pagamutan matapos na makitaan ng sintomas.