Pagpapaiksin ang quarantine period sa Thailand para sa vaccinated travelers at ibababa ito sa pitong araw simula Oktubre.
Ito’y ayon sa opisyal, upang maibalik ang turismo sa lugar sa kabila ng pandemya na noon ay mayroong 40 milyong turista bawat taon.
Magsisimula sa Biyernes ang quarantine period na pitong araw sa halip na 14 na araw, para sa may mga vaccination certificate.
Habang 10 araw na quarantine sa walang certification na lulan ng eroplano at 14 na araw sa land transportation kaugnay ng dalawang resulta na negatibo sa COVID-19 test. —sa panulat ni Airiam Sancho