Ibinaba sa limang araw ang quarantine period sa mga international travelers.
Dahil dito, ikinatuwa ng Filipino community leaders sa Hong Kong ang plano ng nabanggit na rehiyon sa China kahit na patuloy ang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 infection sa naturang bansa kada araw.
Sa kasalukuyan, nakapagtatala na naman ang Hong Kong ng halos 2,000 bagong kaso ng COVID-19.
Maliban sa OFWs, natuwa rin ang Hong Kong employers na mababawasan na ang kasalukuyang quarantine period sa international travelers dahil nagiging pasanin ito sa kanila sa pagpasok doon ng foreign domestic workers.
Samantala, pahirapan naman ang paghahanap ng mga quarantine hotel para sa mga dumarating na overseas travelers.