I-aanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte mamayang gabi ang paiiraling quarantine status mula Abril 5 hanggang sa katapusan ng Abril.
Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, ito’y sa pamamagitan ng Talk to the nation ng Pangulo.
Giit ni roque, sa gagawing pagharap ng Pangulo sa publiko ay mabibigyang kasagutan na rin ang tanong ng nakararami hinggil sa pinansyal na tulong o ayuda na pwedeng ibigay ng pamahalaan sa publiko sa gitna ng umiiral na enhanced community quarantine (ECQ).
Kasunod nito, nilinaw ni Roque na hindi wala siyang ideya kung palalawigin ba ng Pangulo ang umiiral na mahigpit na quarantine status.