Tatanggalin na ng Hongkong Government ang quarantine protocols sa mga biyaherong pumapasok sa nasabing bansa.
Ito ang kinumpirma ng Filipino Community kahit na nakakapagtala pa rin ng pagtaas ng impeksiyon ng COVID-19 ang bansang Hongkong.
Nakatakdang mag-anunsiyo ang Hongkong ng kanilang pinal na desisyon sa pag-aalis ng g quarantine requirement sa inbound travelers.
Dahil dito, ikinatuwa naman ng filipino community ito dahil maaari nang makabalik sa hong kong ang Overseas Filipino Workers (OFWs) na naipit at hindi agad nakabalik dahil sa ilang buwan na restrictions ng Hong Kong.