Posibleng luwagan pa ang quarantine restriction sa Metro Manila matapos ang pilot implementation ng alert level 4 dito hanggang Setyembre 30.
Ayon kay MMDA chairman Benhur Abalos uubrang isailalim sa alert level 3 ang NCR kapag umayos na ang sitwasyon sa COVID-19 sa ikalawang linggo nang pagpapatupad ng alert level 4.
Tinukoy ni Abalos ang report ng OCTA research group kung saan naitala sa 1.9 ang reproduction number sa NCR noong Agosot 8, naging 1.39 nang Setyembre 4 at 1.03 ng Setyembre 22 na patunay aniya nang pagbaba ng kaso ng COVID-19 matapos ding mag-negatibo ang growth rate sa unang linggo nang pagsailalim sa alert level 4 ng Metro Manila.