Malaking bagay ang quarantine restrictions para hindi na tumaas pa ang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon ito kay Dr. Ted Herbosa, medical adviser sa National Task Force Against COVID-19, sa gitna nang pagsirit pa rin o nasa halos 7,000 bagong kaso ng COVID-19 sa mga nakalipas na araw.
Ang quarantine will stop the mobility. Ang community quarantine is a mobility restriction mechanism para mapigilan natin ang paggalaw ng mga tao sa matataong lugar,” ani Herbosa.
Pinag-iingat din ni Herbosa ang publiko sa mga variant ng COVID-19 partikular ang South African at UK variants na nagpapataas din sa kaso ng COVID-19 sa bansa.
Nagbabala pa si Herbosa laban sa bagong variant na nadiskubre sa Vietnam dahil kasing bangis aniya ito ng Indian variant.
Ang latest report na nakita ko doon sa Philippine Genome Center, ‘yung Zamboanga may South African, I supposed ‘yun ang predominant sa Pilipinas, e. ‘Yung report kasi two weeks ago, 15 regions ang meron nung South African variant pero 12 regions ang meron nung UK variant. So, ‘yung dalawang variant na ‘yon ang predominant sa ating bansa,” ani Herbosa. —sa panayam ng IZ sa Alas Sais