Posibleng ibaba na sa General Community Quarantine o GCQ with relaxed restrictions ang quarantine status sa NCR plus matapos ang Hunyo 15.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, mayroon ng improvement ng COVID-19 situation sa NCR plus kabilang ang mababang hospital care utilization rate.
Nananatili ang NCR plus area, na binubuo ng Metro Manila, Rizal, Bulacan, Cavite at Laguna, sa GCQ with restrictions hanggang Hunyo 15.
Bago nito ay nasa GCQ“with heightened restrictions” ang NCR plus noong Mayo 15 hanggang Mayo 31.—sa panulat ni Drew Nacino