Bukas ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa kautusan ng korte suprema na pakawalan na ang mga nakakulong pang quarantine violators.
Ayon kay DILG Sec. Jonathan Malaya, itoy para makabawas na rin sa pagsisiksikan ng mga preso sa piitan.
Posible aniya rin community service na lamang ang ipataw na parusa sa halip na ikulong pa.
Sa kasalukuyan, nasa kabuuang 1,771 quarantine violators pa nananatiling nakakulong mula nang magsimula ang pandemic.