Nakapagtala ang Philippine National Police (PNP) ng 44, 667 quarantine violator simula nang ipatupad ang Alert level 2 sa Metro Manila.
Batay sa datos ng PNP, nasa 8, 933 na indibidwal ang nahuli sa loob ng isang araw na lumabag sa COVID-19 health protocols 7, 931 violator naman ang naitala nuong Martes.
Lumalabas na nasa 63% na ang nabbigyan ng babala habang 34% ang napagmulta at 3% ang napatawan ng parusa.
Sa huli, nasa kabuuang 42,080 violator na ang mga lumabag sa minimum health standard.