Pumalo na sa aabot sa dalawang libong quarantine violators ang naaresto ng mga awtoridad ng Pampanga alinsunod sa umiiral na implementasyon sa lalawigan ng Executive Order No. 17-2021 o mas mahigpit na health at safety protocols laban sa COVID-19 .
Sa kabuuan umabot na sa 1,964 katao ang naarestong lumabag sa nasabing kautasan kung saan 1,668 sa mga ito ang walang suot na face mask, 64 ang lumabag sa curfew hours, 29 ang lumabag sa liquor ban at 203 naman ang kapwa nilabag ang curfew hours at hindi pagsusuot ng face mask .
Babala ni Pampanga Governor Dennis Pineda, agad na dadakipin ang sinomang mga pasaway na lalabag sa quarantine protocols.
Matatandaang isinailalim sa Modified General Community Quarantine o MGCQ ang Pampanga kasunod ng paglobo ng kaso ng COVID-19 sa lalawigan.