Pinagpapaliwanag ng mga awtoridad sa Albay ang Provincial Environment and Natural Resources Office.
Kaugnay ito sa mga sumbong nang patuloy na operasyon sa quarry sites sa danger zones ng bulkang Mayon.
Ayon kay Albay Public Safety Chairman Dr. Cedric Daep, inaalam na nila kung ano-anong mga kumpanya ang patuloy ang quarry operations sa kabila nang pagbabawal sa pagpasok sa danger zones dahil sa pag-aalburuto ng Mayon Volcano.
Kaugnay nito, nagpasaklolo si Daep sa mga pulis para magbantay laban sa mga lumalabag sa ipinatutupad na security measures.
Ipinabatid naman ni Albay Police Provincial Office Spokesman Chief Inspector Arthur Gomez na naghahabol sa kanilang kontrata sa delivery ng kanilang shipment ang mga nasabing quarry companies kaya’t napipilitang pumasok sa danger zones kahit pa mahigpit na ipinatutupad ang strictly no human activity sa nasabing lugar.
—-