Kinansela muna ng Department of Environment and Natural Resources o DENR ang lahat ng mga quarry operation sa bansa matapos ang nangyaring landslide sa Naga City, Cebu.
Ayon kay DENR Sec. Roy Cimatu, kabilang sa kanilang ipinatigil sa loob ng 15 araw ay ang pagkuha ng mga construction materials sa mga kabundukan at mga ilog.
Pahayag ng kalihim, nais nilang masiguro na walang magaganap na kahalintulad na insidente sa lahat ng quarry site sa Pilipinas.
Matatandaang noong Huwebes, pumalo na sa 60 mga bahay ang natabunan sa Barangay Tinaan at naalad sa Naga City, Cebu.