Nakatakdang imbestigahan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang kontrobersyal na quarrying sa loob ng New Bilibid Prison (NBP).
Ayon kay DENR Undersecretary for Policy Planning and International Affairs Jonas Leones, aabot sa 10,000 cubic meters ang lalim ng lupa na hinukay sa loob ng Bilibid.
Sinabi ni Leones, na kumuha narin sila ng sample ng lupa para suriin ang kalidad nito.
Iginiit din ng opisyal na kanilang iaanunsiyo ang magiging resulta sakaling maumpisahan na ang imbestigasyon.