Tiwala si Queen Elizabeth II na magiging tapat si Duchess Camilla bilang Queen Consort kapag naging hari na si Prince Charles.
Sa mensahe ng Queen of England, sa kaniyang 70th anniversary bilang reyna, umaasa rin siya na susuportahan ng publiko ang Duchess of Cornwall.
Samantala, natutuwa naman at na-touch si Prince Charles at Duchess Camilla sa sinabi ni Queen Elizabeth.
Nabatid na bahagi rin ng naturang selebrasyon ang pag imbita sa ilang local groups sa Sandringham Estate.—sa panulat ni Mara Valle