Photo Credit: George Pimentel/ WireImage/ EOnline
Magtatanghal ang British rock band na Queen sa Oscars ceremony na gaganapin na sa Linggo, February 24, oras sa Amerika.
Kinumpirma ito mismo ng Academy of Motion Picture Arts and Sciences sa pamamagitan ng kanilang Twitter.
Ayon sa Academy, kasama ng Queen ang dating American idol star na si Adam Lambert bilang kanilang bagong bokalista kapalit ni Freddie Mercury.
Habang naririyan din ang mga original na miyembro ng Queen na Sina brian May at Roger Taylor.
Ang pelikulang Bohemian Rhapsody na hango sa titulo ng Queen at kuwento ng buhay ng original vocalist ng grupo na si Freddie Mercury ay may limang Academy award nominations.
Kabilang dito ang para sa best actor kay Rami Malek na gumanap bilang si Freddie Mercury sa nasabing pelikula.
—-