Tila wala pa ring kupas ang tinaguriang ‘Queen of all Media’ na si Kris Aquino sa pagpapasiklab.
Kasunod na rin ito nang isinagawang meet ang greet promo ni Kris sa kanyang three million followers sa Instagram bilang pasasalamat sa mga ito.
Pitong masuwerteng fans ang napili sa mga sumali sa nasabing pakulo ni kris at nabigyan ng pagkakataong makipag bonding sa kanya.
Dinala ni Kris sa isang mall sa Quezon city ang mga nasabing masuwerteng followers para sa isang make over at merienda kuwentuhan.
Bago matapos ang kanilang bonding, nag photo-op sila at binigyan ni Kris ng tig isang kikay kit ang mga ito.
Ibinahagi ni Kris sa kanyang followers ang ilan sa mga laman ng kaniyang give away na isang mamahalin at kilalang brand ng lipstick.
Maliban sa kanyang online promo, busy si Kris sa kaniyang mga negosyo at sa #TripniKris, ang kanyang two-hour special na-eere mamayang gabi sa GMA 7.
By Judith Estrada-Larino