Naghahanda na ang Australia sa inaasahang pagtama ng isang malakas na bagyo sa bahagi ng Queensland.
Tinaya na sa sampung libong (10,000) katao ang nagsilikas bilang precautionary measure sa pananalasa ng category 4 cyclone Debbie.
Inatasan naman ni Australian Prime Minister Malcolm Turnbull ang iba pang residente ng Queensland na lumikas na sa lalong madaling panahon lalo’t ngayong araw posibleng mag-landfall ang bagyo.
Ito na ang isa sa pinakamalakas na bagyong tatama sa naturang bansa ngayong taon.
By Drew Nacino