Maaari ng makadaan ang mga motorista sa Quezon Avenue-EDSA intersection, simula ngayong araw.
Ito ang inanunsyo ni Metropolitan Manila Development Authority Assistant General-Manager for operations Emerson Carlos makaraang buksan muli ang naturang kalsada matapos ikabit ang mga traffic signal upang maibsan ang matinding epekto ng pagsisikip sa daloy ng trapiko.
Ayon kay Carlos, pwede ng kumaliwa sa intersection at hindi na kailangan pang mag-u-turn kaya’t maluwag ng makadaraan ang mga sasakyang pa-southbound at north bound na liliko sa EDSA mula Quezon Avenue.
Pero nilinaw ng opisyal na ang mga sasakyan sa Quezon Avenue patungong Quezon City Circle o Maynila ay hindi papayagang makadaan sa intersection sa halip ay dapat bagtasin ng mga ito ang Quezon Avenue tunnel.
By: Drew Nacino