Muling bubuksan ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA ang Quezon Avenue-EDSA intersection.
Inihayag ito ni Atty. Emerson Carlos, assistant General Manager for operations ng MMDA.
Sinabi ni Carlos na base sa plano, bubuksan ang nasabing intersection para sa southbound vehicles na galing Quezon Avenue na kakaliwa sa EDSA at Northbound vehicles na papuntang Trinoma at SM North Areas na galing naman sa Quezon Avenue.
Nakatakda ring maglagay ng traffic lights ang MMDA sa Quezon Avenue EDSA intersection.
Base sa datos ng MMDA, hindi bababa sa 40,000 sasakyan ang gumagamit ng dalawang u-turn slots sa ilalim ng Quezon Avenue-EDSA flyover.
By: Meann Tanbio