Posibleng isailalim sa Alert level 2 ang limang lugar sa Metro Manila dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Ayon kay Department of Health (DOH) undersecretary Maria Rosario Vergeire, kinabibilangan ito ng Quezon City, Marikina City, Pasig City, San Juan City at Munisipalidad ng Pateros na una nang isinailalim sa Moderate Risk ng COVID-19.
Gayunman, nilinaw ni Vergeire na isinailalim sa “Moderate Risk” ang limang lugar batay sa two-week growth rate nito, Average Daily Attack Rate at Health System Capacity.
Kabilang din sa dahilan ng pagtaas ng bilang ng kaso ang humihinang immunity ng populasyon at ang pagbalewala sa public health standards.