Umapela ang pinuno ng Quezon City Fire District sa publiko na iwasan ang lahat ng aktibidad na posibleng magsimula ng mga insidente ng sunog.
Iginiit ni Quezon City District Fire Dir. Sr. Supt. Gary Alto, ang pangangailangan ng publiko lalo na ngayong ipinagdiriwang ang bagong taon kung saan mataas ang panganib ng sunog dahil sa mga paputok at pyrotechnic materials.
Upang maiwasan ang sunog, gumawa ng video ang bfp na nagbigay ng ilang tips at angkop na pamamaraan kung paano haharapin ang mga insidente ng sunog.
Gayunpaman, binigyang-diin ng BFP na kailangang tandaan ng publiko ang acronym na BFP o mas kilala bilang B-reading, F-eeding of fuel, P-utting o pagdaragdag ng init. —sa panulat ni Kim Gomez