Pino problema umano ng Quezon CITY government kung saan ilalagay ang mga sumukong drug pushers at users
Kasunod na rin ito nang pag amin ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte na nagkaruon ng kakulangan sa koordinasyon nang ilatag ang Oplan Kapak o Katok at pakiusap nuong isang linggo
Ito ay bagamat natutuwa naman ang mga otoridad sa anito’y matagumpay na Oplan Kapak kung saan mahigit 700 pushers at user ang sumuko sa mga otoridad
Sinabi ni Belmonte na hihilingin nila sa Health Department ng lungsod na lakihan pa ang uubrang ma accommodate ng tahanan ng Pagasa, ang rehabilitation at treatment center sa barangay Payatas na nasa ilalim ng Office of the Vice Mayor
Anim na buwan naman aniya ang programa sa nasabing rehab center at kapag may lumabas na ay maaari nang ipila ang isa sa mga sumukong drug pusher o user
Ipinabatid naman ni QCPD Director Edgardo Tinio na nagkaruon sila ng koordinasyon sa opisina ni Belmonte hinggil sa ikinakasang Oplan Kapak
By: Judith Larino