Nakiusap sa Quezon City Government ang ilang mga may-ari ng mga piggery at poultry farms na bigyan sila ng palugit hanggang Nobyembre bago pagbawalan ang pag-aalaga ng mga manok at baboy sa kanilang lungsod.
Ayon sa ilang mga nag-aalaga ng baboy at manok, mawawalan sila ng ikabubuhay kung pagbabawalan sila sa kanilang nakagawiang trabaho lalo pat nasa gitna ngayon ng pandemiya ang bansa.
Sa datos ng City Veterinary Department, na-phased out na ang ansa labing apat mula sa labing pitong barangay na may backyard farms at piggeries.
Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, magkakaroon ng alternatibong pangkabuhayan ang mga kasama sa pagsasara ng mga piggery at poultry farm para magkaroon ng iba pang source of income ang kanilang pamilya.
Sa ngayon, pinag-aaralan pa ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang naturang hiling. —sa panulat ni Angelica Doctolero